Ilocano Food: Natatanging Sarap
Ilocano Food: Natatanging Sarap
Ang mga pagkain ng mga ilokano ay sadyang iba ngunit kung titignan natin maaring sabihin mo na lamang na mas maganda na lamang ang mag-ulam ng bagoong kaysa ang ulamin ito. Maraming iba’t-ibang klase ng pagkain na siguro ibang iba sa paningin ngunit iba rin ang sarap na malalasahan. Ang mga ganitong pagkain ay sa Norte madalas inihahain kagaya na lamang ang lugar ng Ilocos Norte,Pangasinan,La Union at Isabela. Ang mga ilan sa sikat na pagkain sa Isabela ay ang.
1. Prinitong Tukak o Palaka
Ang prinitong palaka ay sadyang napakasarap kung ito ay kakainin dahil na rin sa manuot nuot na lasa nito. Kung kakainin ito ng nakapikit ang mata hindi mo aakalain na isa itong palaka dahil ang lasa nito ay parang prinitong manok rin. Sa proseso ng pagluluto nito kinakailangan muna linisin ang palaka. Dahil sa madulas ang balat ng palaka na karaniwang nakukuha sa palayan kinakailangan itong lagyan ng abo at tanggalin ang balat at ulo nito. Pagkatapos ng paglilinis maari mo nang lagyan ng pampalasa at isalang.
2. Prinitong Ar-arawan
Ang Ar-arawan ay isa sa pinaka pagkain ng mga ilokano dahil ito ay nakukuha lamang sa bukid kapag nag-aararo ng lupa para pag tamnan ng mais. Ang pagkaing ito ay nakakain lamang kapag panahon ng pagtatanim buwan ng Abril. Sa pagkain nito ang lasa ay malinamnam at masarap dahil sa taglay nitong layman
3. Prinitong Bisikul o Suso
Kung titignan ang suso o kuhol ay isa sa peste sa pananim na palay. Ngunit ang pesteng ito ay nagbibigay sarap sa bawat panlasa ng mga Ilokano. Ito ang isa sa pinakamasarap na pagkain na hinahahain ng mga Isabelino. Kadalasang luto nito ay prito, dinakdakan, at adobo dahil sa iba’t ibang klase ng pagluluto rito sa mga ilokano ang paghahanda ng tatlong klase ng ulam sa hapagkainan ay nakakaenganyong kumain.
Ang mga pagkaing ito ay ilan sa mga masasarap at naiiba sa hapagkainan ng mga ilokano na kakaonti lamang ang kumakain sa ngayon. Dahil kung ako ang papipiliin ni nanais ko pa ring kumain ng mga ganitong klaseng pagkain kaysa ang palagiang pagkain ng mga karne ng baboy na nagbibigay ng sakit.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento